المدة الزمنية 6:45

Ano Nga Ba Ang Mga Simtomas ng Covid-19 Araw-Araw | THE VOICEMASTER

بواسطة The VoiceMaster
16 037 مشاهدة
0
84
تم نشره في 2020/04/10

#StayHome #COVID19 #CreatiVoicesProductions Sa una, akala mo sipon lang, at puwedeng tama ka. Pero maaaring lumala ang Covid-19. Ito ang kailangan mong malaman. Ayon sa World Health Organization-China Joint Mission on Covid-19, noong ika-dalawampu ng Pebrero, walumpung porsyento ng mga kumpirmadong kaso ng Covid-19 ay mahina hanggang katamtaman, labing-apat na porsyento ang malala, at anim na porsyento ang nakamamatay. Para sayong kaalaman, hindi lang sipon ang sintomas ng mahinang kaso ng Covid-19. Malala pa rin ang mga sintomas nito. Pero hangga’t hindi ka pa nangangailangan ng oxygen, mahina pa ang kaso mo. Nangangailangan ng oxygen ang may malalang kaso, habang ang nakamamatay na kaso ay nakararanas na ng komplikasyon sa baga at sa iba pang organs. Depende sa kaso, iba-iba ang sintomas, tagal ng sakit at ang karampatang lunas na kinakailangan. Tignan natin ang bawat araw na mararanasan ng may Covid-19, depende sa lala ng kaso nito. Maaaring umabot ng dalawa hanggang labing-apat na araw mula sa pagkahawa sa novel coronavirus bago makaranas ng mga unang sintomas. Puwedeng magsimula ito sa sipon o sa trangkaso. Maraming pasyente ang nilalagnat na sa una pa lang. Nakita ng World Health Organization-China Joint Mission na walumpu’t walong porsyento ng may Covid-19 ang nilagnat. Nakita rin sa isa pang pag-aaral mula sa Tsina na habang apatnapu’t apat na porsyento lang sa mga na-ospital ang nilagnat, umaabot sa walumpu’t siyam na porsyento nilagnat kinalaunan. May iba namang kaso na unang nagkaroon ng sintomas sa bituka. Ilan sa mga ito ang patatae, pagsusuka, pananakit ng tiyan, na nararanasan bago makaranas ng sintomas sa baga. Pero hindi ito karaniwan dahil ang Covid-19 ay isang sakit sa baga. Kaya sa karamihan ng pasyente, magsisimula at magtatapos ang kanilang sakit sa baga lamang. Sa mga unang araw ng impeksyon, sasalakayin ng virus ang mga lung cells. Pinakaunang masisira nito ang mga cilia – o yung mga maliliit na buhok na pinoprotektahan ang baga sa maaaring pumasok na mucus at iba pang dumi. Kapag naimpeksyon ang lung cells, mamamatay ang mga ito at madadagdag pa sa mga dumi na maaaring makasira lalo sa baga at lalamunan. Mamamaga ang baga hanggang sa masira ito, at masisira sa lalong pamamaga. Patuloy ang ganitong proseso hanggang sa masira na ang buong baga. Ang pamamaga ang dahilan kung bakit ubo ang pinaka-karaniwang sintomas, pati na rin ang pagkahingal at sobrang plema. Kabilang sa ibang mga sintomas na mararanasan ay pagod, pananakit ng lalamunan, ulo at kasu-kasuan, panlalamig at matinding sipon. Sa ika-limang araw, maaaring mahirapang huminga ang mga pasyenteng may nauna nang sakit. At maaaring kailangan nang ma-ospital pagkalipas ng pitong araw. Maaari ring gumaling ang mahihinang kaso sa panahong ito. Ngunit ang may katamtaman hanggang nakamamatay na kaso ay maaaring magkaroon ng pneumonia, na maaari ring nakamamatay o hindi nakamamatay. Ang paggaling mga pasyenteng ito ay maaaring umabot ng ilang araw o linggo. Sa mga malalang kaso, maaaring umabot pa ang sakit sa pagiging acute respiratory distress syndrome. Ang ARDS ay sakit kung saan napupuno ng tubig ang baga. Dahil sa pamamaga, bubuhos ang immune cells para labanan ang impeksyon. Tinitira nito ang bahaging may impeksyon pero kung masobrahan, maaari ring mapatay ng immune cells ang mga walang impeksyon. Madalas nakamamatay ang ARDS. Sa mga pinaka-malalang kaso, maaaring bumigay ang baga at kailanganing ilagay ang pasyente sa life support. Sa puntong ito, ilalagay na ang pasyente sa ICU. Kabilang sa lunas sa ARDS ang supplemental oxygen at mechanical ventilation. Kailangang mapadaloy ang oxygen sa dugo, na hindi kayang gawin ng baga. Kapag hindi ito gumana, patuloy na malulunod ang baga sa tubig, na siyang sanhi ng karamihan sa namamatay sa Covid-19. At kahit na malampasan ng pasyente ang sakit, maaaring permanente na ang sira sa kanilang baga. Nabutas ang baga ng mga pasyenteng may SARS noon, at nakita rin ang ganitong mga butas sa mga pasyenteng may novel coronavirus. Nakita sa mga unang pag-aaral na maaaring mamatay ang pasyente sa loob lamang ng labing-apat hanggang labingsiyam na araw. At ang mga gumagaling naman ay nakakalabas sa ospital pagkaraan ng dalawa’t kalahating linggo. Ngunit sa malalang mga kaso, tatagal ng ilang buwan ang paggaling. Habang pagaling ang pasyente, posible pa rin itong makahawa. Kailangan nilang kumonsulta sa doctor upang malaman kung kailan sila hindi na maaaring makahawa. Sa ngayon, walang bakuna para sa virus na ito. Ang pinakamainam na paraan para hindi mahawa ay ang pag-iwas sa ibang tao. Madaling maipasa sa ibang tao ang Covid-19, sa pagbahing at pag-ubo. Kaya ugaliing maghugas ng kamay at huwag lumapit sa mga taong may sakit. Panatilihing malinis ang mga lugar at bagay na laging ginagamit. Kailangan ng ibayong ingat sa Covid-19, kahit karamihan sa mga kaso ay maaaring gumaling. Kaya manatili sa bahay, maging ligtas at maging kalmado.

الفئة

عرض المزيد

تعليقات - 3